Ang hirap mag-asawa sa panahon ngayon...
Ang hirap mag-asawa ngayon dahil maraming lalakeng bonjing, irresponsable, tamad, walang pangarap, walang plano sa pamilya, hindi alam ang responsibilidad bilang padre de pamilya. Kaya ang babae ang papasan sa lahat ng pagkukulang pero kapalit ang kanyang kagandahan at kasiyahan. Pagtapos anakan ng madami, iiwan.
Nakakalungkot na nag-aambag na nga financially, babae pa rin ang gagawa ng gawaing bahay, mag-aalaga sa mga anak, magseserbisyo sa kanyang mister at sa family planning. Hindi alam ng lalake na maraming nagbabago sa katawan ng isang babae sa pag pipills, IUD, implant, patch, ligate... Tapos expect pa rin ng lalake na dapay maganda pa rin at fresh ang kanilang misis.
Tapos Kung sino pa ang hindi financially stable, sila pa malakas magpadami ng anak.
At kung sino pa yung pinagsisilbihan at minamahal ng totoo sila pa nagloloko...
Asan na ang "tulungan?"
Asan na ang provider husbands?
Asan na ang yung marunong sa family planning? Asan na ang mga responsableng lalake?
Asan na ang mapagmahal na mga tatay?
Asan na ang mga "knight and shining armor?"
Paunti na ng paunti sila dahil imbes pangaralan ang mga kalalakihan, babae ang inaalipusta sa pagkakaroon ng high standards.
Kaya masisisi mo ba na dumadami ang strong independent woman, single, single mom, furrmommies, high standards, mapili at hindi na martir?
Words By: Jamerisse Chames (Tita Charot)
Posted by: Nanay Talks
You can see a guy's character even during the friendship and courstship stage, which is why you shouldn't rush things and give them the slice of heaven until they put a ring on your finger.
The dating stage is a time to truly get to know each other’s values, principles, and character. Ask the right questions; don't just flirt or have someone to accompany you. Learn from the wise counsel of couples whose marriage you admire. Read books and listen to relationship podcasts. These will help you spot red flags and look for green flags.
Above all, work on becoming the best version of yourself so you attract the quality man you prefer. Pray for your love life if marriage is your goal.
Posted on 09/10/24, based on this original post.

No comments:
Post a Comment